Food and Nutrition, Health and Medicine
IRR ng batas para sa early childhood care and development pirmado na
Nakatakdang pirmahan ngayong araw ang implementing rules and regulations (IRR) para sa Early Childhood Care and Development (ECCD) System Act (Republic Act No. 12199), isang batas na naglalayong tiyaking may access sa mga programa at serbisyo para sa ECCD ang mga batang wala pang limang taong gulang. Mahalagang hakbang ito lalo na’t layon ng naturang batas na bigyan ang ating mga kabataan ng matatag na pundasyon sa kanilang pag-aaral.
Kasunod ng paglagda ng IRR ng naturang batas na nilagdaan noong nakaraang taon, hinihimok natin ang ECCD Council na pakilusin ang ating mga local government units (LGUs) upang ipatupad ang mga programang mandato ng batas. Mahalaga ang agarang pagpapatupad ng mga programa at serbisyo para sa ECCD dahil nakasalalay dito ang pagkakaroon ng matatag na pundasyon ng mga batang Pilipino.
Matatandaang sa ilalim ng batas, ang mga LGUs ang may responsibilidad na tiyaking maaabot ng mga programa at serbisyong pang-ECCD ang bawat batang wala pang limang taong gulang. Kabilang sa mga ipapatupad ng mga LGUs ang mga programang may kinalaman sa nutrisyon. Kaya naman mahalagang suportahan natin ang ating mga LGUs upang maihatid nila ang mga programa at serbisyong mandato nilang ihatid.
Nakasaad din sa batas na magkakaroon ang bawat LGU ng ECCD Office na sasailalim sa pangangasiwa ng alkalde o gobernador.
Isa sa mga pinakamahalagang hamong kailangang tugunan natin pagdating sa ECCD ang nakakabahalang bilang ng mga batang ‘stunted’ o iyong mga itinuturing na maliit para sa kanilang edad, bagay na nakakapinsala sa kanilang kakayahang matuto. Ayon sa pinakahuling datos ng DOST-Food and Nutrition Research Institute, lumalabas na isa sa apat na batang wala pang limang taong gulang ang stunted.
Kaya naman hindi tayo dapat mag-aksaya ng panahon sa pagpapatupad ng mga programa at serbisyong ito, lalo na’t nakaugnay ang mga ito sa pagsugpo natin sa krisis sa edukasyon ng bansa.
Help this knowledge grow
Have additional information, a correction, or a supporting resource for this article?
Try the form and preview your contribution. Nothing is submitted or saved. Closing the form or leaving this page clears your draft.
